( To: ADA Mechanical Engineering – March 31, 2005)
Isang malaking paglabag ba ang mahalin ka
Pero walang pag-aalilangang minahal kita
Di ko alam kung bakit nagawa kong mahalin ka
Nang higit at natatangi sa iba.
Ayokong malaman mo na mahal kita
Dahil baka maging hadlang sa kasiyahang nadarama.
Mabuti pang maging bulag at bingi ka
Sa tunay na nararamdaman ko sinta
Upang di na mabulabog pa ang puso mong may mahal ng iba.
Sabi mo sa akin talagang mahal mo siya
Kahit na ganoon ang ginagawa niya
Okey lang sayo kahit saktan ka niya
Pero di mo alam na sa tuwing nasasaktan ka
May isang pusong naghihinagpis at lumuluha?